Minsan ang buhay binabagyo, para bang nakisabay pa ang bagyong Florita sa mga bagyo sa buhay ko. Brownout tuloy kahapon, kaya tangna ang init sa library kahit na naulan.
Bagyo 1: Work
Bwiset talaga, pati sa trabaho problema. 2 months na ala pa sahod, nahihiya na ako umutang sa nanay. Nawawala na enthusiasm ko tuloy magtrabaho maybe because of "job satisfaction".
Ayaw pa pumayag ng isa ko kasama na di mag-inventory bago magturn-over. Haiz last two months pa lang ung last inventory tapos mag inventory na ulit. Then after 6 months inventory ulit. Yey saya maginventory.
Minamadali pa ako sa mga projects sa library gawa ng ISO at Accreditation e wala pa naman mga equipments na kailangan so paano ko uumpisahan. Baka gusto mag magic ako. "Jaraaaaannn!"
Isa pa ung teammates ko sa Area ng library. Matagal na pala sa kanila yung list of requirements of documents na kailangan for accreditation di nila binibigay tapos ako ngayon ang minamadali, to think na lagi sila sa library di man lang nila iniaabot agad.
Saka na nakakahiya nadin dun sa mga exhibitor nung bookfair kasi 7 months na di pa din naoorder mga requests. San kasi makakarating ang Php 100 na library fee? Sana naman taasan na nila ang fee kasi "state university" na.
Para tuloy ako nag-cartwheel pag asa trabaho. Nahihilo Nalilito Luko Luko.
Bagyo 2: Lovelife
Sino nga ba naman ang di pa nakakaranas ng bagyo sa aspetong ito? Baka sila ay santo.
Haiz,buhay nga naman. Pag ikaw ay masaya may bat may mga taong di masaya at mapanghusga. Insecure? Baka nga. Eto lang sasabihin ko sa kanila. I don't give a damn. As if i care. Di ako magiging masaya kung iplease ko kayo. Cold cold night ang nangyari imbes na masaya. Tangna talaga.
Ayos na ang lahat ng biglang "kabooooom." "bakit daw ganyan ka na ngayon *****, achuchuchuchu achuuuchuhcuu." Husgahan ba siya dahil ganun. Kitid ng utak nila.
Ewan magulo pa ngayon. Mas lalo pa gumulo gawa sumandal ako sa isang tao. Bat kailangan kami ang mag suffer. Siguro nga tama siya na ganito kami, per tangna magkakamatayan muna bago ako sumuko. Minsan ko na di ipinaglaban ang nararamdaman ko, ayaw ko na ulitin pa yun. Napakasimpleng bagay ng nangyayaring to kumpara dun. Baka magregret ulit ako.
Kung mababasa mo to One3, Mahal kita. Kung akala mo di mo matumbasan pagtingin ko, mali ka, labis pa naipakita mo. Ngayon lang ulit ako nakadama ng ganito dahil sa iyo. Ngayon ko lang naramdaman ang mahalin ulit. Salamat sa iyo.
Bagyo 3: Kaibigan
Haiz eto pa isa masakit.
Sumandal lang naman ako sa isang tao dahil alam ko maiintindihan nya ako. Pag-isipan ba na kami?
Siguro di lang nila alam na me problema. Sana naman nagtanong muna sila bago nagsalita. Akala kasi nila dahil umalis kami ayaw namin sila kasama. Umalis lang kami kasi I need to breathe. Di naman kasi lahat ng bagay kailangan i-share o i-open sa barkada. Napasama pa pala kami ng ganun.
Tapos meron pa isang eksena na biruan na nauwi sa pagtatampo. Bad timing kasi. Hay ang gulo gulo talaga ng buhay.
Eto lang akin masasabi Kuya Egay and Aris salamat. Alam nyo na yun kung bakit.
Salamat sa bagyo lagi nakalagay sa status ko sa YM. Napakaironic, nagsimula sa bagyo at eksaktong ika dalawang buwan me bagyo din, Bagyong Florita at bagyo sa buhay ko. Pero kahit paano salamat pa din sa bagyong Florita, wala pasok kanina. HAHAHA.
Haiz sana maayos na ito mamaya o sooner. Napakasimpleng mga bagay lumalaki.
Iniisip ko nalang na "every cloud has silver lining."
Mga bagyo lang ang mga to, lilipas din.
Sa ngayon uuwi muna ako at liligo at kakain bago rumampa. Bahala na si batman mamaya kung ano mangyayari sa tambayan.
Pero one thing for sure, MAG-IINOM ako. HAHAHAHAHA. Tagay na!
Comments
Post a Comment